Tutol si Senadora Imee Marcos sa mungkahing suspendihin ang tax privileges ng mga overseas Filipino workers (OFW) sa gitna ng pagbabanta ng mga ito ng zero-remittance o hindi pagpapadala sa Pilipinas bilang protesta sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Marcos, ang mga OFW na ang nagbubuhay sa ekonomiya ng bansa kaya’t marapat lamang na hindi suspendihin ang kanilang tax privileges.
Ramdam daw ng senadora ang paghihimutok ng mga OFW kaya mahalaga ang ikinasang imbestigasyon para malaman kung karapat-dapat daw ba ang ginawang pag-aresto sa dating pangulo.